It was Jan. 2, 2011. 2nd reunion with my ERCC Faculty: Ma’am Tracy, Sir Rowell and Jonah. Sayang at kami lang ang nakapunta. Parang kami-kami rin yung magkikita-kita kung natuloy ang pag-attend naming LAHAT sa kasal ni Sir Elger. I wonder? Kami lang ba talaga ang hindi busy at laging may free time pagdating sa reunion or sadyang kami lang talaga yung mga taong hindi mapirmi sa mga bahay-bahay namin… hehehe… (beep beep po sa mga masasagasaan).
And speaking of kasal ni Sir Elger (patalastas lang, maikwento ko lang), nakakatuwa talaga ang experience na ito. Thru FB, ininvite kami (Me and Jonah) ni Ma’am Tracy na umattend sa kasal ni sir Elger last Dec. 4, 2010 sa may Divine Mercy. We all agreed to see each other sa SM Marilao at 1pm. Ang mali lang namin, hindi namin kinuha ang mga contact number ng bawat isa. Ako, dahil kadarating ko lang galing Qatar kabibili ko lang ng bagong sim while Jonah, may bagong cellphone ang lola kaya wala rin siyang number ng mga co-teachers namin. Clueless tuloy kami ni Jonah where exactly sa SM Marilao kami magkikita-kita. We first went to Pizza Hut near the entrance and tried to search for our co teachers (dami kasi tao that time, Christmas shopping kasi). Then we decided to go to the department store to buy our gift. We roamed again just in case makasalubong namin sila. But no signs of them. And it was already 2:30pm, naisip namin baka nandun na sila sa Divine Mercy. Pagdating namin sa Divine Mercy, sobrang hiyang-hiya kami ni Jonah dahil tapos na ang wedding ceremony picture taking na. At sinipat namin ang area kung nandun ang mga dapat na kasama namin. Pero bigo kami dahil kahit isa wala kaming kakilala (bukod kay sir elger). Isa lang ang nasa isip ko nung panahon na iyon. Mukhang inindyan kami ng mga kasama namin. Nahihiya kami kasi wala man lang kaming invitation pero nandun kami sa kasal (may regalo naman). Gusto na naming magbackout ni Jonah pero nilakasan na lang namin ang aming mga loob. Di rin namin alam kung saan ang reception. Baka kasi RSVP at wala kami invitation tsugiin kami sa may gate pa lang. Dahil malakas naman ang loob ng kasama ko, walang patumanggang nilapitan niya yung groom at tinanong kung nakita niya sina Ma’am tracy (di man lang binati o kinongratulate man lang muna yung kinasal). Pero dahil dun winner si Jonah kasi pinasabay kami ni sir Elger dun sa jeep na magdadala sa amin sa reception. Dun na din namin nalaman na sa may Pandi pa pala ang handaan (kamusta naman yun from Divine Mercy, Marilao to Bunsuran, Pandi, ilang bundok at dagat ang pagitan). Dahil sa malayo pa ang lalakbayin namin, wala kaming ginawa ni Jonah sa sasakyan kundi mageavesdrop sa mga kwentuhan ng mga classmates ni sir elger. Dahil sa matalas naming mga tainga, nalaman namin kung saan unang nagkita si groom at si bride at kung bakit sa Divine Mercy sila kinasal at kung bakit nagpakasal agad sila. Dun din namin natuklasan kung saan ang honeymoon. At marami pang iba. Dagdag pa nyan, naligaw pa kami. Instead na nag left turn kami, si manong driver nag right turn. Comedy talaga ang travel namin na yun. Hanggang sa makarating din kami at last sa reception at idaan na lang sa kain ang lahat.
Back sa reunion. Nagkita-kita kami sa aming official rendezvous, ang SM Marilao, pero this time exact na ung place sa may Pizza Hut at 2pm. Kinuha na rin namin ang contact numbers ng bawat isa. We’ve already learned from our mistakes. Lakad-lakad, kamustahan, kwentuhan ng mga buhay-buhay. Nagyayaya si Jonah na manuod ng sine (Tanging Ina, last na’to) kaya lang ayaw sumama ni sir rowell sa kadahilanang hindi siya nanunuod ng mga ganung genre ng pelikula. Sa madaling salita na-spoil ang “movie crave” ni Jonah.
Dahil hindi na tuloy manuod ng sine, naghanap na lng kami ng pwedeng kainan.Dahil ako ang MAJOR SPONSOR ako ang humanap ng place. Napili ko ang Yellow Cab kaya lang natuklasan namin na wala na palang Yellow Cab sa SM Marilao. Kailan pa? So we look again for another place. Doon na lang sana sa dati naming pinag reunionan, sa Pizza Hut, kaya lang waiting pa kami. So we look for another place at napadpad kami sa Shakeys. Syempre di mawawala ang picture picture. Thanks kay Rowi, ung crew na kumuha ng order namin at nag picture din sa amin. We order 1 large Manager’s Choice Pizza, 1 Spaghetti Platter, Chick’n and Mojos, Garlic breads and 1 pitcher of iced tea. Mukhang nabusog naman ang lahat (I hope so, si sir rowell ang umubos ng chicken dahil di ko na pinapansin ang manok ngayon).
 |
Jonah and Sir Rowell (XL sa kabilang side ng table) |
 |
Ma'am Tracy, wag mong ituloy yan wala nang magbabayad ng food. |
 |
Four of us sa Shakeys SM Marilao |
 |
kabilang side naman |
 |
ERCC Faculty Reunion 2009 with Sir Jonel and Sir Elger |
Nakakatuwang experience namin dun, isang crew ng Shakeys ang lumapit sa table namin at may inaabot na bill plate na may laman na pera (I think sukli yun) at receipt… At sa di kalayuan (sa may bandang kaliwang bahagi ng aking inuupuan, mga 6 inches ang layo) may bumulalas (mataray ang dating), “We haven’t paid yet!” Winner ang lola mo sa pagkakasabi nyang yun. Mukhang napahiya slightly yung crew kaya nagsorry na lang. Ang saya pala kumain sa Shakeys, hindi ka pa nagbabayad may sukli ka na agad. At si sir rowell mayroon nang binibida. On the spot, pinost agad sa FB ang punch line! At walang tigil na tawanan at tuksuhan ng nangyari. Sinamahan namin si sir rowell na hanapin sa Watson ang isang whitening soap (pinabibili “daw” ng nanay niya) pero bigo kaming mahanap. Si mam tracy di pumayag sa pagbanat, “baka naman PPPPPPerla lang ang hinahanap mo?” at sangkatutak na tawanan ulit at picturan.
 |
picture picture |
 |
picturan ulit |
Before kami magpaalam sa isa’t isa, napagkasunduan na ulitin ang bonding (I ready agad ang next bonding installment, PART 2). Si sir rowelll magdadala daw ng munting souvenir from their bottled handicrafts. Syempre hindi na ako ang MAJOR SPONSOR (ipasa naman sa iba). Wala pang date but we’ll talk about it later. Si mam tracy nauna na nang lumabas sa SM dahil may curfew daw cya. Si sir rowell nag try na pumila sa cdr-king at kami naman ni Jonah nagtry for our luck sa sinehan mapagbigyan lang ang movie crave nya but sad to say hindi naging successful dahil standing room na ang available at matagal pa ang next show. So we decided na umuwi na lang.
That’s it… to be continued pag natuloy ang part 2 ng ERCC bonding/ reunion.