I can still remember nung highschool days ko na everytime may ipapanood sa amin na movie ang teacher namin o kaya naman may ipapabasa sa amin na book or novel lagi nang kadugtong non ang REACTION PAPER. that time hindi pa ako mahilig magbasa at tamad pa ako na paganahin ang utak ko para sa isang bagay na di ko gusto (most na pinapanood nmn sa amin ay hindi ko genre). Pero ngayon, habang naaadict ako sa panonood ng mga movies (in any genre) at habang pinapawi ko ang mga boring moments ko dito sa bahay, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magreact sa mga palabas na pinapanood ko (about sa cinematography, sa flow ng story, sa mga characters, sa mga effects, etc) na dala ko hanggang sa pagtulog maging sa panainip, hay! Siguro kung ibabalik ko ngayon ang high school days ko at magpagawa ulit ng REACTION PAPER ang teacher namin baka hindi lang 1 intermediate pad ang magagawa ko at hindi lang 300 words baka a thousand words ang mailagay ko. =)

Ui, bat hindi ka na nagba-blog?
ReplyDelete