Eto yung dapat na ipopost ko sa note ko sa fb nung oras na paalis na ako sa Qatar. Dahil na rin sa pagiging busy to prepare my departure at sa walang humpay na gala nung nasa pinas na, d ko na siya na post sa FB. Pero di pa naman huli ang lahat. I will paste it as is nung ginawa ko ito before my departure...
Wala akong sariling blog site(maybe i need to create one for myself) kaya dito na lang muna sa FB ko nailalathala ang laman ng aking isip (which Mr. FB always asks, "What on your mind?") at puso.
Ngayon na dumating na ang oras na kailangan ko nang lisanin ang pangalawang bansang luminang sa aking pagkatao. Maraming mga bagay akong natutunan at dapat ipagpasalamat sa mga taong nakasalamuha at naging parte ng aking kasiyahan at kalungkutan, at higit sa lahat sa nag-iisang Diyos na Siyang nagtatakda ng lahat ng bagay sa mundo.
Dalawang taon at kalahating paninirahan at pagtatrabaho sa isang banyagang bansa ay masasabi kong hindi biro lalo na sa katulad kong sa kauna-unahang pagkakataon lamang makakapagtrabaho malayo sa pamilya, sa mga kinasanayang mga gawain at maging sa mga malalapit mong kaibigan. Kailangan mong lumabas sa iyong “comfort zone” ika nga, para mas lalo kang umunlad at magampanan ang mga responsibilidad na iniatang sa iyo para sa iyong pamilya.
Ang HS o HOMESICKNESS ay pangkaraniwan na sa mga katulad kong OFW. Mahirap labanan lalo na kung magbubukas ka ng FB account mo at tatambad sa’yo ang mga larawan ng iyong mahal sa buhay na masaya at nagtitipon-tipon sa isang mahalagang okasyon ng pamilya (lalo na kung ang mga pose eh ung iniinggit k p). Pero cyempre kailangan alalahanin ang salitang “sacrifice”. Masaya ka na rin kahit papaano kasi masaya rin sila.
Marami akong alaala na talagang di malilimutan sa bansang ito, hindi ang mga lugar, pasyalan o mga mall na pinuntahan ko kundi ang mga taong naging parte ng paninirahan ko dito lalo na sa aking JILCQ family: Mga ngarag at puyatan moments nung 8th year anniversary, ang magturo ng Bible School sa mga bata (I could still remember na ako nag-aaral nung bata pa ako), ang JILCQ Music Minsitry Family Al khor Beach Overnight Party (khit taglamig na nung time na un), mga walang katapusang kwentuhan at tawanan ng aking mga ka-brod sa JILCQ Ras Laffan (hanggang sa FB tinutuloy), mga outdoor fellowship, ang music jamming w/ sinigang na hipon fellowship, ang slogan na “EVERYTIME WE MEET, WE EAT” (sira ang dieta lagi, everyday is cheat day) at many to mention pang mga events.
 |
JILCQ 8th Year Anniversary |
 |
JILCQ Music and Arts Fellowship Al Khor beach |
 |
kuya junart's birthday sa domino |
 |
Ras Laffan and Al Khor Band |
 |
Friday Bible school with the kids |
 |
Bowling fellowship with the JILCQ Ras laffan |
How I long na maibalik ang mga naging masayang samahan natin. But we need to move on with our lives. God has a plan for everyone. Naalala ko ung line ng hymn ng aking Alma Mater nung high school “… Saan man kami ihatid ng Maykapal, Pangalan Mo’y aming itatanghal.” Everyone has its own journey to go through. At kahit saan man mapadpad, I know God will be with us.
Maraming Salamat sa inyo! Till next time we meet… In God’s perfect time.
No comments:
Post a Comment