Wednesday, July 27, 2011

Half Time Report

Haaayyy, ang bilis ng panahon. Mantakin mo nakakalahating taon na ako dito sa  Abu Dhabi (AUH). Ang tagal na rin bago ako nakapagpost sa blogsite ko (madalas kasing sipagin magtype at magbukas ng blog). Anyway, gusto ko lang ibahagi ang mga highlights ng aking 6 months stay dito sa AUH.   Parang pagnanunuod ako ng basketball  sa TV, may mga report sila about sa mga nangyari nung 1st half ng game.

Highlights:

  • Bagong project, bagong bansa, bagong work description. Kung dati sa office lang umiikot ang trabaho ko, ngayon pati sa site nag fufull time na rin. Ako ang kauna-unahang QC Inspector sa company namin. Expected na ikaw magpapasimula ng lahat ng inspection. Kailangan maganda ang impression ng client. Anyway, maganda naman ang resulta nang unang inspection and hopefully magpatuloy pa hanggang matapos ang project. Sa ngayon 3 na kaming QC Inspector at medyo gumaan na rin ang load ng trabaho.

A construction worker
  • Di na bago sa akin ang mga documents at sangkaterbang paper works (gamay ko na from the previous projects na napuntahan ko). Ang bago ay ang magbilad sa araw, litro-litrong pawis ang tumagas sa katawan at ang magpulbos ng mga pinong buhangin na tinatangay ng hangin. Ito ang buhay sa gitna ng disyerto. Mapalad pa ako at hindi katulad sa Qatar ang klima dito. Maghumid man sandali lang at hindi buong araw.

Our Safety Officer Norman and I


My Workplace


  • Tatlong buwan ang inabot bago ako makaluwas ng siyudad. Una, transportation means. From our camp to AUH,  1 and half hours ang biyahe. Medyo mahirap dahil hindi aircon bus ang issue ng company. Expected medyo mainit ang biyahe. Pangalawa, instead na 1 hour or less  lang ang biyahe, nadagdagan pa ito ng kalahati dahil sinara ang kalsada na papalabas malapit sa main road which is approximately 800 meters lang ang layo. Hays, pasakit talaga… 

ang grupo sa AUH


  • At last nakapunta rin ng Dubai. Isa sa mga pangarap ko ang makapunta sa Dubai. Dati hanggang airport lang ako (pero airport pa lang outstanding na, babalik-balikan talaga). Kaya pag uuwi ako ng Pinas request ko emirates ang eroplano na sasakyan ko (may stop over sa dubai at shopping galore pa sa duty free). Dubai Mall Burj Khalifa Jumeira Open BeachPalm JumeiraBurj Al ArabDubai Aquarium and Aquatic Zoo… Eto pa lang ang mga lugar na napuntahan ko and many more to come sa second visit ko dun.  
background ko pa ang Burj Khalifa Tower

  • 6 Months x 30 days equals 180 days.  180 movies na rin ang napapanuod ko. Almost every night pagkagaling sa trabaho at kumain ng hapunan, nakaharap na sa laptop at nanunuod ng movie. Hindi man ako makapanuod ng ilang gabi, pagdating ng Friday kundi 3, 2 movies ang napapanuod ko. Napupunan ang mga gabi na bakante. Hehehe... 

  •  At syempre nasa  bagong project ako d2, dapat may project din ako sa Pinas. My prayer hanggang sa matapos ko ang kontrata ko dito ay matapos ko rin ang proyekto ko sa Pinas. Masilayan ko man lang ang pinaghirapan ko sa abroad.
6 months to go tapos na ang one year contract ko. And definitely maybe magrecontract pa ako hanggang sa matapos ang project na ‘to. Ito ang pioneer project ko as a QC Inspector at kacareer-in ko na ‘to. Let God continuously be with me with His guidance and mercy. So help me God!

No comments:

Post a Comment