Friday, December 31, 2010

Let it be the ONE...

It's 1-1-11 (Jan. 01, 2011): ONE of a kind, the ONE(year) I'm waiting for, maybe someONE will come in my life (may ganun?!). Basta ONE!

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ng dumating ako sa qatar at icelebrate ko ang pasko at bagong taon sa pangalawang pagkakataon na malayo sa pamilya ko. Pero eto ako ngayon kasama na ang pamilya ko dito sa Pilipinas masayang sinasalubong ang bagong taon. Di man kami kumpleto (ang pamilya nila ate pati si nanay nasa korea) pinilit pa rin naming maging masaya. Payak man ang aming handa basta may pagmamahalan at pag uunawaan ay ok na ok na.

Christmas Eve (Dec. 25, 2010)

Medya Noche 2011

Ang aming payak na handa.

Naging maganda sa akin ang taong 2010 at nageexpect ako na mas maganda ang mangyayari sa akin ngayon taon.

Tuesday, December 14, 2010

In Christ Alone

I just want to share this song I repeatedly play on my mp3 player. This song really touches my heart and reflects how great and good our God is and how I am not worthy of His mercy. Even I gain all the honor of this world, they are all in vain in the presence of God. (di ko mapigilan tumulo ang luha ko pag pinakikinggan ko'to)

Artist: Brian Littrell
Song: In Christ Alone 

Lyrics:
In Christ alone will I glory
Though I could pride myself in battles won
For I’ve been blessed beyond measure
And by His strength alone I’ll overcome
Oh, I could stop and count successes like diamonds in my hands
But those trophies could not equal to the grace by which I stand
Chorus:
In Christ alone
I place my trust
And find my glory in the power of the cross
In every victory
Let it be said of me
My source of strength
My source of hope
Is Christ alone
In Christ alone do I glory
For only by His grace I am redeemed
For only His tender mercy
Could reach beyond my weakness to my need
And now I seek no greater honor in just to know Him more
And to count my gains but losses to the glory of my Lord
Chorus:
In Christ alone
I place my trust
And find my glory in the power of the cross
In every victory
Let it be said of me
My source of strength
My source of hope



Sunday, December 12, 2010

Not A Farewell Speech

Eto yung dapat na ipopost ko sa note ko sa fb nung oras na paalis na ako sa Qatar. Dahil na rin sa pagiging busy to prepare my departure at sa walang humpay na gala nung nasa pinas na, d ko na siya na post sa FB. Pero di pa naman huli ang lahat. I will paste it as is nung ginawa ko ito before my departure...

Wala akong sariling blog site(maybe i need to create one for myself) kaya dito na lang muna sa FB ko nailalathala ang laman ng aking isip (which Mr. FB always asks, "What on your mind?") at puso.
Ngayon na dumating na ang oras na kailangan ko nang lisanin ang pangalawang bansang luminang sa aking pagkatao. Maraming mga bagay akong natutunan at dapat ipagpasalamat sa mga taong nakasalamuha at naging parte ng aking kasiyahan at kalungkutan, at higit sa lahat sa nag-iisang Diyos na Siyang nagtatakda ng lahat ng bagay sa mundo.
Dalawang taon at kalahating paninirahan at pagtatrabaho sa isang banyagang  bansa ay masasabi kong hindi biro lalo na sa katulad kong sa kauna-unahang pagkakataon lamang makakapagtrabaho malayo sa pamilya, sa mga kinasanayang mga gawain at maging sa mga malalapit mong kaibigan. Kailangan mong lumabas sa iyong “comfort zone” ika nga, para mas lalo kang umunlad at magampanan ang mga responsibilidad na iniatang sa iyo para sa iyong pamilya.
Ang HS o HOMESICKNESS ay pangkaraniwan na sa mga katulad kong OFW. Mahirap labanan lalo na kung magbubukas ka ng FB account mo at tatambad sa’yo  ang mga larawan ng iyong mahal sa buhay na masaya at nagtitipon-tipon sa isang mahalagang okasyon ng pamilya (lalo na kung ang mga pose eh ung iniinggit k p). Pero cyempre kailangan alalahanin ang salitang “sacrifice”. Masaya ka na rin kahit papaano kasi masaya rin sila.
Marami akong alaala na talagang di malilimutan sa bansang ito, hindi ang mga lugar, pasyalan o mga mall na pinuntahan ko kundi ang mga taong naging parte ng paninirahan ko dito lalo na sa aking JILCQ family: Mga ngarag at puyatan moments nung 8th year anniversary, ang magturo ng Bible School sa mga bata (I could still remember na ako nag-aaral nung bata pa ako), ang JILCQ Music Minsitry Family Al khor Beach Overnight Party (khit taglamig na nung time na un), mga walang katapusang kwentuhan at tawanan ng aking mga ka-brod sa JILCQ Ras Laffan (hanggang sa FB tinutuloy), mga outdoor fellowship, ang music jamming w/ sinigang na hipon fellowship, ang slogan na “EVERYTIME WE MEET, WE EAT” (sira ang dieta lagi, everyday is cheat day) at many to mention pang mga events. 
JILCQ 8th Year Anniversary

JILCQ Music and Arts Fellowship Al Khor beach
kuya junart's birthday sa domino

Ras Laffan and Al Khor Band

Friday Bible school with the kids

Bowling fellowship with the JILCQ Ras laffan
How I long na maibalik ang mga naging masayang samahan natin. But we need to move on with our lives. God has a plan for everyone. Naalala  ko ung line ng hymn ng  aking Alma Mater nung high school  “… Saan man kami ihatid ng Maykapal, Pangalan Mo’y aming itatanghal.” Everyone has its own journey to go through. At kahit saan man mapadpad, I know God will be with us.

Maraming Salamat sa inyo! Till next time we meet… In God’s perfect time.

Welcoming myself to the bloggers world

How should I start this? Well, Dec. 12, 2010 when I decided to make my own online journal. Dito pwede ko nang ipost anuman ang nilalaman ng isip ko. Sayang nga lang at di ko naumpisahan ito ng maaga. Sigurado marami nang laman ito kung isasum-up ko ang lahat ng experiences ko sa QATAR. But anyway, let's not live on the past but rather enjoy the present.

while typing this blog

Before, hindi ako expressive na tao in action or in writing. Mas type ko na sarilinin na lang anuman ang nararamdaman ko or ako na lang ang nakakaalam kung anuman ang laman ng isip ko. Natuto na lang akong ilabas lahat ito when I started to work abroad. Living away from your close friends and family, mahirap talaga. You don't know kung sinu-sino ang dapat na pagkatiwalaan. Pero habang tumatagal nakakakita ka rin ng mga taong handang makinig sa mga ka-emotan mo at siguradong mapagkakatiwalaan mo. Salamat na rin sa libreng facebook ng  vodafone at least ang drama ko is just one shout out away sa fb medyo relieve na ako (kung anu-ano na nga laman ng stat ko sa fb that sometimes causes confusion sa mga friends ko). And here it is, another means to express my emotions, to share some random thoughts, and do some reflections in life. Excited na ako para sa blogpost ko na'to. Hope it'll be successful!

If you would ask about the title, of course, if you really want to know deep about me, just read my blogs.